Lifestyle & Entertainment

President’s perks and privileges

Sinu-sino ang mga kamag-anak ng kasalukuyan at dating Pangulo na nakaupo sa ibat-ibang pwesto sa gubyerno?

Ang pinsan ni Pangulong Aquino na si Bam Aquino ay kasalukuyang Senador.

Habang si DOTC Secretary Emilio Abaya ay apo ni dating Pangulong Emilio Aquinaldo.

Samantala, si PCDSPO Usec. Manolo Quezon ay apo ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Ang mga apo naman ni dating Pangulong Sergio Osmena  na si Sergio Osmena III ay kasalukuyan Senador pero natalo sa 2016 election at muli namang nahalal si Mayor John Henry Osmena ng Toledo, Cebu.

Si dating DILG Secretary Mar Roxas ay apo naman ni dating Pangulong Manuel Roxas.

Nanalo naman bilang kongresista si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na anak ni dating Pangulong Diosdado “Dadong” Macapagal.

Si dating Pangulong Ferdinand Marcos naman ay may tatlong kapamilya na nakaupo sa iba’t-ibang pwesto, kabilang na sina Senador Bongbong Marcos, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, at Cong. Imelda Marcos.

Gayundin ang mga pamangkin ni Marcos  na sina Tacloban Mayor Alfred Romualdez at Cong. Ferdinand Martin Romualdez ay nakaupo hanggang sa June 30, 2016.

Samantala, si dating Pangulong Erap Estrada ay may tatlong kapamilya rin na nasa pwesto ngayon, kabilang na sina Senador Jose Victor “JV” Ejercito, Senador Jinggoy Estrada at Janella Estrada, kasalukuyang Councilor ng San Juan city.

Pero alam nyo ba na base sa section 13 ng Konstitusyon, mahigpit na ipinagbabawal na maitalaga o humawak ng anumang pwesto sa gubyerno ang asawa at sinumang kamag-anak ng Pangulo na abot hanggang fourth civil degree of consanguinity and affinity.

Kabilang na rito ang pwesto sa Gabinete, Constitutional Commissions, Undersecretaries, Chairman o pinuno ng iba’t-ibang kawanihan at tanggapan ng pamahalaan, kabilang na rito ang mga GOCCs o Government Owned and Controlled Corporation and subsidiaries nito.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*