Nation

PNP issues tips for UNDAS 2016

(photo credit: DZRH Edmar Estabillo)
(photo credit: DZRH Edmar Estabillo)

The Philippine National Police issued a “reminder” for the public to follow in order to avoid any incident and continue the peace and order during the country’s observance of Undas 2016.

KAPAG AALIS SA BAHAY:

  1. Tiyaking nakakandado at sarado ang mga punto at bintanan ng inyong bahay. Siguruhin ring walang nakabukas na kalan o kandila o tumutulong gripo o kaya’y naka-plug na appliances bago kayo umalis.
  2. Ibilin sa malapit na kamag-anak o pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay maging ang inyong mga alagang aso o pusa.
  3. Kung sakaling walang mapagbibilinan ng inyong bahay, iwasan na mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao. Mainan rin na Iwanang nakabukas ang radio para akalaing may tao sa loob. Makatutulong rin ng higit kung may CCTV o burglar alarm ang inyong bahay.

PAG-IINGAT SA BYAHE:

  1. Tiyakin na walang problema ang inyong sasakyan. Para mas mabilis at tamang pagsusuri sa sasakyan, tandaan lamang ang BLOWBAG na ibig sabihin ay ‘Battery, Light, Oil, Water,Brakes, Air at Gas’.
  2. sa pamgmamaneho, pairalin ang pasensya, at defensive driving stance upang makaiwas sa peligro at kompromiso.
  3. Kung gagamit ng pampublikong transportasyon, iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas. Ingatan ang cellphones at personal na gamit. Makabubuting lagyan ng pangalan o ID para mabilis itong makilala.
  4. Maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang bagahe, o kadudadudang pagkilos ng isang tao sa istasyon. Huwag mag-atubiling ipaalam ito agad sa nakatalagang Police Assistance Post.
(photo credit: DZRH Rex Cantong)
(photo credit: DZRH Rex Cantong)

SA LOOB NG SEMENTERYO:

  1. Huwag magdala ng alak, matutulis na bagay, malalakas na speakers at paninda sa loob ng sementeryo. Mainam na handa na ang mga pagkain na ipapasok sa sementeryo upang Iwas-abala. Huwag kalimutang magdala ng protesksyon sa sarili at mga bata laban sa init at ulan.
  2. Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at maging maingat na huwag sumama sa mga taong hindi kakilala. Tiyaking may mga ID o papel nang kanilang pagkakakilanlan na nakasabit o naka-pin sa kanila.
  3. Alamin agada ng lugar ng First Aid station at PNP assistance Booth para sa emergency o police assistance.

4.Mag-ambag sa kalinisan ng lugar sa pamamagitan ng pagdadala ng sariling trash bag at pagtatapon nito sa wastong tapunan.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*