Nation

Kapitan ng barangay tigok pagkatapos pagbabarilin ng riding-in-tandem

Isang kapitan ng barangay sa Pampanga ang patay pagkatapos pagbabarilin ng isang riding in tandem team kahapon ng tanghali.

Ayon sa Police Regional Office 3 ng Central Luzon, todas sa tama ng bala si Brgy. San Jose Chairman Danilo Manalang.  Si Manalang ay dati ring Regional Direktor ng Department of Public Works and Highways-Bicol.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ng suspek si Manalang habang bumibili ng pagkain sa isang canteen sa Brgy. Santa Rosario, Macabebe, Pampanga.

Nagawa pang maitakbo sa ospital si Manalang subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa likod ng pagpatay kay Manalang.  Tinitingnan din ang anggulong may kinalaman sa pulitika.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*