Nation

Singil sa kuryente tataas ngayong buwan

Magkakaroon ng mula 2 hanggan 3 piso dagdag sa bawat kilowatt-hour ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon sa Manila Electric Company, ito’y bunyag ng isang buwang pagsara ng Malampaya Gas line.

Ang nasabing shutdown ay naglalayong isailalim ito para sa isang preventive maintenance.

Bukod dito, maging ang gastusin para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga binagyong lugar ay kailangan ding balikatin ng electric consumers.

Ayon kay MERALCO Assistant Vice President at Chief ng Utility Economis Lawrence Fernandez, inulit lang nila ang kanilang mga naunang anunsyo tungkol sa pagtaas ng singil sa kuryente.

Nakatakdang maglabas ng eksaktong number kung magkano talaga ang pagtaas sa Dec. 9, 2013.

Magkakaroon naman ng pagkaltas sa Pebrero ng susunod na taon.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*