Nation

Malacanang ayaw magsalita tungkol sa DAP

DAP
DAP

Mananatiling tikom ang bibig ng Malacanang tungkol sa magiging kapalaran ng Disbursement Acceleration Program na ngayon ay nakabinbin sa Korte Suprema.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, bahala na ang mga mahistrado ng Korte Suprema na magdesisyon kung legal o unconstitutional ang DAP.

Sinabi rin ni Abad na saka na lamang magbibigay ng statement ang Malacanang kapag meron ng inilabas na desisyon ang mga Mahistrado.

Sa ngayon, masusing pinaghahandaan ng Office of the Solicitor General ang magiging depensa ng Malacanang sa DAP sa nalalapit ng Oral Argument para dito.   (with Judie Anne Abejero)

 

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*