Dear DZRH

Dear DZRH

DEAR_RH

Dear DZRH,

Ako po si Aling Baby. Bata pa ako ay mahilig na akong makinig ng mga balita sa radyo kaya hangang ngayon ay natatandaan ko ang isang announcer na nagngangalang Ric Radam. Hindi ko malilimutan ang kanyang mga komentaryo lalo na pagsapit ng umaga ay iniiwan ko ang aking ginagawa para mapakinggan ko lamang siya lalo na kapag nagsasalita na siya ng pangalan ‘Johnny Tango’  na gwapo naman. Isang announcer na hangang ngayon natatandaan ko. Lalo kapag sinasabi ang katagang “Huwag kang tatanga-tanga!”

Hangang ngayon na may edad na ako ay tinaglay ng aking anak ang pangalan ‘Johnny Tango’ na ibinansag ko sa aking anak na lagi kong sinasabihan na ‘tanga’, hango sa pangalang ‘Johnny Tango’. Dahil sa sobra ang kanyang katangahan na lagi sunud-sunuran sa kanyang asawa kahit mali at ginagawang uto-uto kapag sinasabihan ko  ang anak kong ito ay tahimik lang siya.

Natatawa lamang ang mga kapitbahay ko , bakit ko siya tinatawag sa ganoong pangalan. Ang sabi ko wala siyang pinagkaiba sa mga sinasabi ni Ric Radam na ‘Johnny’ ang tanga, na ang gago pa. Yan ang hindi ko makakalimutan na announcer na si Ric Radam na ‘Johnny Tango’. Sana po ay muli ko siyang marinig. Salamat po!

Gumagalang

Baby Peralta

One Comment

  1. Japhet Mañebog

    Dear DZRH,

    Ako po si Japhet Mañebog, matagal na po akong hindi ako na-recover ang aking Facebook Account dahil hindi ko ma-reset ang password ko ngunit hindi ako na pasok ang Yahoo account ko pero ang email ko ay japhet_sponge@yahoo.com ngunit gemtubersp@yahoo.com ang aking kasalukuyang email ko po.

    Sana maaksyunan niyo po ang aking reklamo.

    Salamat po.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*