Dear DZRH

Dear DZRH

DEAR_RH

Dear DZRH,

Sa lahat po ng bumubuo at tauhan  ng dzrh, ipinarating ko po ang taos pusong pagbati sa nalalapit po ninyong pagdiriwang sa 75th anibersaryo ng dzrh, patnubayan po kayo ng poong maykapal at lumawig pa ang paglilingkod at marami pa po kayong matulungan,isa na po ako roon noong nabubuhay pa po si tiya dely.

Lahat po ng bumubuo ng dzrh ay aking hinahangahan at tangkilik ngunit di ko po malilimutan lalo na po si tiya dely, siya po ay naging magaling na tagapayo sa tulad ko pong mayaman sa problema pero ang totoo mahirap sa buhay at ipinanganak na aba,isa po ako sa napili na nagpadala ng kasaysayan noon.pangalawa po si kuya joe taruc,idol ko po siya sa pagbabalita.napakahusay po nagiging alerto po ako pag naririnig ko na po ang boses niya.lahat naman po kayo ay magagaling at hinahangaan ko po dahil talagang avid listener po ninyo ako mula noon hanggang ngayon.

Lalo na po ngayon kasi apat na taon po akong nawala sa bukid nasa barrio po kami nakikitira sa aking ina dahil nagaaral po ang aking mga anak madalang po akong nakakapakinig ng rayo noon,ngayon po umuwi po kami sa bukid upang masikaso po namin ang pagtatanim ng halaman at magaalaga ng hayop kaya lagi po kaming nakikinig ng radyo ngayon kaya naeenganyo po muling sumulat sa inyo wala po kaming kuryente sa ngayon kaya ang libangan po talaga dito ay tumutok sa pakikinig sa inyo mula umaga hanggang madaling araw lalo na kung hindi agad kami makatulog.

Talagang sa lahat ng aspeto,ang dzrh po talaga ang napakahusay. matagal ko na pong gustong makarating dyan at makita ng personal ang lahat ng bumubuo ng dzrh,subalit sa kalagayan ko po dahil marami po akong inaasikaso at binabantayang mga anak di po ako pwedeng mawala ng matagalan sa buhay kaya kung maaari manghihingi po ako ng picture with name po ng lahat ng bumubuo ng dzrh.

Muli binabati ko po kayo ng masaya at mapagpalang pagdiriwang.

Happy 75th anniversary po! more power and godbless!

Your avid listener,

Ms.Elizabeth B. Ernesto

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*