Dear DZRH

Dear DZRH

DEAR_RH

Dear DZRH,

Sa lahat po ng bumubuo at tauhan ng DZRH, ipinararating ko po ang taos pusong pagbati sa nalalapit po na ninyong pagdiriwang sa 75th anibersaryo ng DZRH, patnubayan po kayo ng poong may kapal at lumawig pa ang paglilingkod at marami pa po kayong matulungan. Isa na po ako noon nung nabubuhay pa si Tiya Dely,

Lahat po ng bumubuo ng DZRH ay aking hinahangaan at tinatangkilik ngunit di ko po malilimutan lalo na po si Tiya Dely, siya po ay naging magaling na taga-payo sa tulad ko pong mayaman sa problema, pero ang totoo mahirap sa buhay at ipinanganak na aba. Isa po ako sa napili na nagpadala na kasaysayan noon, pangalawa po si kuya Joe Taruc idol ko siya sa pagbabalita napakahusay po. Nagiging alerto po ako pag naririnig ko na po ang boses niya. Lahat po naman kayo ay magagaling at hinahangaan ko dahil talagang avid listener po ninyo ako mula noon hanggang ngayon.

Lalo na po ngayon kase apat na taon po akong nawala sa bukid, sa baryo po kami nakitira sa aking ina dahil nagaaral po ang aking mga anak. Madalang akong nakakapakinig noon ng radyo, ngayon po umuwi po kami sa bukid upang maasikaso po namin ang pagtatanim ng halaman at magalaga ng hayop kaya lage po kaming nakikinnig ng radyo ngayon kaya nainganyo nga pong sumulat muli sa inyo. Wala po kaming kuryente sa ngayon kaya ang libangan po talaga dito at tumutok sa pakikinig sa inyo mula umaga hanggang madaling araw, lalo na kung hindi agad kame makatulog.

Talagang sa lahat ng aspeto ang DZRH po talaga ang napakahusay matagal ko na pong gustong mgakapunta jan at makita ng personal lahat ng bumubuo ng DZRH subalit sa kalagayan ko po marami po akong inaasikaso at binabantayang mga anak, hindi po ako pwedeng mawala ng matagal sa bahay kaya po kung maaari manghihingi po ako ng picture with name po ng lahat ng bumubuo sa DZRH.

Muli binabati ko po kayo ng masaya at mapagpalang pagdiriwang!

Happy 75th Anniversary po

More power and God bless!

Your avid listener,

Ms. Elisabeth B. Ernesto

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*